Friday, December 31, 2010

Si Isaiah

This is Isaiah, siya ang regular customer ko na sarado pa ang shop namin ay tumatawag na sa phone ng 6:45 ng umaga at magsasabing papunta na siya. Hehehe... kaya 7:00 am pa lang ay nandito na siya eh ang bukas ng shop ay 7:30. Minsan katulad nito, ay hindi pa nakakapag-mop si hubby ay naglalaro na siya. In fairness to Isaiah, hindi naman siya naglalaro kapag school days, tuwing Sat. and Sunday lang siya maaga at ngayong ngang holiday season dahil walang pasok sa school at may limit siya, 2 hours sa morning at 2 hours sa afternoon.
May nakakatuwang pangyayari dito sa batang ito, nung July na galing sya sa states ay nagbihis lang siya sa house nila at tumuloy na dito kaagad... ganoon niya ka-miss ang maglaro sa shop namin... hahaha!

Malapit na ang pasukan, lubus-lubusin mo na until Sunday...
may pasok ka na uli Isaiah!!!

1 comment:

  1. E di pag bakasyon pala e araw araw nanjan si Isaiah? At dahil jan Isaiah, bibigyan ka ni Rizza ng trophy for being a loyal customer! hehehe!

    ReplyDelete

Let me here from you ...