Sunday, May 9, 2010

Happy Mother's Day

Gaya ng nakagawian ko, sa mga ganitong okasyon ako ay inspiradong lumikha ng tula. Isang simpleng tulang alay sa mga nanay, ma, mama, inay, at mommy na katulad ko. Naniniwala ako na hindi madali ang maging isang "ina" sa totoong gawa. Aminado akong hindi ako perpektong nanay pero pinipilit kong magampanan ang mga bagay na alam kong dapat kong ibigay sa aking mga anak.
Kaya eto ang isang tula na para sa ating lahat:
ANG MAGING ISANG INA

Masaya ang maging isang ina…
dahil nabibigyan niya ng buhay ang kanyang tahanan
dahil ang kanyang ngiti ang ligaya ng kanyang mga supling
dahil ang kanyang haplos ang lakas ng kanyang pamilya
dahil siya ay biyaya ng Diyos na lumikha.

Mahirap ang maging isang ina…
dahil dama niya ang lungkot sa ating mga mata
dahil pasan niya ang problema ng kanyang pamilya
dahil pilit niyang kinakaya lahat ng magagawa niya
dahil gusto niyang akuin lahat ng pagdurusa.

Hamon ang maging isang ina…
dahil hindi madali ang maging isang “ina”
dahil ika’y may dapat gampanan sa buong pamilya
dahil kailangan mong humubog ng mga huwarang bata
dahil sa pagmamahal mong walang kaduda-duda.

Mommy, para sa iyo itong tulang ito... kahit malayo ka at hindi ka namin nakakasama ay alam ko at dama ko ang mga paghihirap mo habang kami ay lumalaki. Mas naiintindihan ko na ang mga sakripisyo mo nung ako ay naging isang ina na rin... I love you mom!!!

P.S. Mommy, pwede bang gumawa ka na rin nga ng iyong facebook account ( hehehehe).

2 comments:

  1. Happy Mom's Day to you and your mom... hehehe..di ko kaya gumawa ng isang seryosong post na katulad nito..hahaha

    ReplyDelete
  2. hahaha... ewan k ba peach! sinsapian ako pag naiisipan ko ng gumawa ng tula...hehehe

    ReplyDelete

Let me here from you ...