Sunday, October 4, 2009

Bahay ng Pamilya Aquino

Tutal naman at nandon na kami sa sikat na Times St., ay inaya ko na rin si hubby na dumaan man lang sa harap ng bahay ng Pamilya Aquino. Nakakatuwa na makitang napaka-simple ng naging pamumuhay ni Dating Pangulong Cory Aquino. Makikita ito sa kanilang tahanan dito sa Times Street. Talaga namang nadagdagan na naman ang aking paghanga sa pamilyang ito. This is around 3:00 pm at naka-awang ng bahagya ang kanilang gate. Mukhang hindi takot ang naninirahan ditong si Noynoy kung pasukin man siyang bigla ng mga tao, supporters man nya o hindi. Wala man lang bantay sa labas at parang napaka-open nila at madaling lapitan.

Malayo pa ang eleksyon pero parang nakikinita ko na ang
aking sariling naka-suot ng dilaw sa araw na iyon!

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...