Monday, August 3, 2009

UPCAT

Sa College of Architecture na assign ang aming anak, kaya 11:00 am pa lang ay nandon na ang mag-daddy.

Ang daming parents na nag-aantay sa labas....

Last Saturday ay UPCAT na at kami ni hubby ay very excited and nervous at the same time. Moment ito ng aming anak na si Justine. First day siya pero pang afternoon session ang kanyang exam. Friday night ay nagsimba kami dito sa church sa amin para i-guide ni Lord ang aming anak sa kanyang exam. I know na kaya niyang ipasa ang exam... pero siyempre malakas pa rin ang power ng Prayer. Since may MTAP si Jeffrey sa morning ay sumunod na lang kami ni Jeff at ni Yeye sa UP ng hapon. Grabe ang haba ng exam nila, kasi from 12:30 ay 6:30 pm na sila nakalabas ng Archi building. Mahirap daw ang Math yun ang sinasabi ng karamihan kasama na ang aking anak. Hayyyy... sana nga ay makapasa siya. Dream niya ang pumasok sa school na ito.

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...